PAGKAING ZAMBALEÑO: LOLA OYA'S GARLIC LONGGANISA, PROUDLY MADE IN CASTILLEJOS

Hindi maitatanggi na dito sa Zambales, hindi nawawala ang produktong masasarap na pagkain at isa na rito ang HOME-MADE LONGGANISA.

Halos bawat bayan ay may tampok na ESPESYAL na Longganisa na ayon sa mga gumagawa ay recipe pa na ipinamanang mula pa sa kani-kanilang mga ninuno.

Sa Northern Zambales, sikat ang bayan ng San Felipe sa kanilang BAGNET AT GARLIC LONGGANISA na talagang mabentang mabenta.

Sa southern Zambales naman, sa bayan ng Castillejos kung saan tampok ang Suman Ibos, ay mayroon ding GARLIC LONGGANISA na sumisikat ngayon dahil kasing sarap daw ito ng Garlic Longganisa ng San Felipe ayon sa mga nakakain na.

Kaya naman minabuti ng Zambales Herald itampok ang GARLIC LONGGANISA na TATAK CASTILLEJOS para masubukan at matikman ng ating mga kababayan.

Sa mga nais mamili para masubukan at matikman ang TATAK CASTILLEJOS na HOME-MADE GARLIC LONGGANISA maaari pong magtext at tumawag sa 09274646722 at 09392919670 o hanapin si Ginang Maria Offera Soriano.

CASTILLEJOS PRIDE HOME-MADE GARLIC LONGGANISA "INANG OYA'S LONGGANISA"

Comments